Tuesday, February 12

Mga Tula ng Mahal Ko

"Magtatagpong muli ang bawat detalye ng ating nakalipas.
Di ko nabatid na ang bawat hakbang pasulong
ay mga hakbang pala pabalik sa iyo.

Sa bawat pagbugang pinagsaluhan ng usok
at hiningang minsa'y siniil ng bawat paghalik,
imahe mo ang binuo ng hanging malamig.

Lilipas din ang bawat sandali ng ating pag-iisa,
at lulukubin ng iyong anino ang espasyong
dating pinagsaluhan ng lumbay."

- Bebe Ko

I'm back being in love

that was since feb 5.