Thursday, March 27

Surprises

I love making surprises for Bebe.
I want to see my Bebe's eyes glowing in awe.
I want my Bebe to be amazed.
I love Bebe.

Monday, March 10

the coffee date

in between coffee and sweet talks,
i
could only wish
that as i indulge on my brew,
you would still continue with
your words.
Unlike the bitter liquid
leaving the fragile cup,
as it flows down
through my throat...
-from bebe

Sweeter

We’re once there holding one another
Promised we will stay together forever
Until we faced the day that’s so bitter
And left each other to suffer

I used to try to forget everything
To calm the heart that’s hurting
I’ve been brave enough to forget
Pickled memories kept in my pocket

Suddenly, our worlds shared the same exit
And we were powerless to deny it
You hugged the moment’s dance
And I locked the sweet night at once

We’re once again holding one another
Promising we will stay longer than just forever
Come what may, we’re here to keep each other
Warm and safe as we grow older.



- this is for my bebe

Wednesday, March 5

Happy Monthsary Bebe!!!

Love you so much. =)

I'm Thankful (posted last April 29, 2007 on my old blog)

Isang linggo na ang nakaraan nang makipag-break ako sa kaniya officially. Nasaktan ako pero hindi yung tipong naghihingalo at 'di na makahinga. Siguro natanggap ko na rin na sa ganito hahantong ang lahat. Actually, alam niya na inaanticipate ko yung ganitong uri ng scenario. (Sorry for using Taglish) At ngayon, nagkatotoo ang lahat. Fortunately, hindi na ako nabigla. I made myself ready for this. At siguro, alam ko rin na 'di na KAMI masaya tulad dati.Gusto ko lang i-claro ang lahat. Wala akong galit kaninuman pati sa kaniya. Hindi ko siya papagalitan kapag nagkita kami kung saan. Hindi ko siya susumbatan o anupaman. Dahil masaya ako. Masaya ako para sa kaniya. Sa wakas, na-realize na niya na hindi ako ang para sa kaniya. Masaya rin ako para sa kaniya kasi sa wakas din, nakapagdesisyon siya ng konkreto. Kahit nasaktan ako, naniniwala pa rin ako na kailangan kong igalang ang anupamang desisyon niya para sa buhay niya. Buhay niya 'yon.Maraming bagay akong namiss sa relasyon namin. Mga simpleng detalye na minsan 'di ko sinasadyang maisip. Mahirap kalimutan ang ganung mga detalye o malamang baka hindi ko na malimutan hanggang pagtanda ko. Kaibigan nga hindi makalimut-kalimutan, minahal pa kaya. Hinihintay ko na lang ang panahon na kapag naalala ko ang mga bagay tungkol sa kaniya ay maaalala ko na lamang ang mga iyon bilang parte ng buhay ko kasama ang isang tao bilang kaibigan hindi bilang minahal.Masaya na 'ko ngayon. Hindi na 'ko umaasa na magkakabalikan pa kami tulad ng dati. Hindi rin ako umaasa na magiging matalik kaming magkaibigan pagkatapos ng lahat. Kahangalan 'yon. Siguro, kapag nagkita kami, simpleng ngiti lang ang magagawa ko para sa kaniya. Hindi ko siya maaaring yakapin dahil baka bumalik lang ang nararamdaman ko para sa kaniya. 'Wag naman sana. Haha. Sana ngitian niya rin ako kasi sobrang namiss ko 'yon.Kapag dumating ang panahon na makahanap na siya ng iba maliban sa akin, sobrang magseselos ako este magiging masaya ako para sa kaniya. Totoo. Walang halong ka-plastican. Haha. Basta ang hiling ko lang ay ipagpalit niya ko sa taong makakapagpakilig sa kaniya nang todo. Sa taong puwede siyang samahan kahit saan. Sa taong laging sasama sa kaniya manood ng movie. Sa taong puwede siyang yakapin palagi. Sa taong madaldal at may sense of humor. Sa taong mag-aalaga sa kaniya nang personal. Sa taong makakasama niya sa pag-sho-shop ng belt na puti. Sa taong sasama sa kaniya bumili ng burger sa hatinggabi. Sa taong susundo sa kaniya pagkagaling sa office. Sa taong kayang tumungga ng balde-baldeng mango shake kasama siya. Sa taong tatabi sa kaniya kapag may sakit siya. Sa taong makakatabi niya sa bus pauwi. Sa taong magagawa ang lahat para sa kaniya. Bakit? Dahil hindi ko 'yon kailanman nagawa sa kaniya. Deserve ng mga taong tulad niya ang lumigaya. Masaya rin ako kasi kahit paano siguro, napasaya ko siya kahit sa simpleng paraan ko lang. At iyon lang naman talaga ang kaligayahan ko dati - ang makita siyang masaya.Ngayon, tsktsk... aasikasuhin ko na muna ang sarili ko. Binabaling ko ang oras ko para paligayahin ang sarili ko. Sinisikap kong maging napakapositibo sa mga pananaw ko sa buhay ko. Tutal bata pa naman ako, gaya ng sabi ng isang kaibigan, madami pa akong magagawa. One time, ta-try ko makipag-date sa iba. At kung sakaling hilingin ng pagkakataon, magmamahal na rin ako ng iba. Tiyak ko, magiging masaya rin siya para sa akin.I'm glad I was able to start making my paths straight again. If it were not for my friends, siguro ngongo na ako ngayon. Hindi ko naman minamadali ang mga bagay. Siguro, ako ang minamadali ng mga bagay-bagay. Lilipat na ako sa boarding house na mas malapit sa kolehiyo ko. Kasama ko ang 4 na kaibigan na lagi rin namang nariyan para dumamay. Ang sarap lang ng pakiramdam na dahil dito, mas gumaan na ang pakiramdam ko. At sana, paggising ko bukas, mas masaya na. Hiling ko ang lahat ng mabubuting pangarap sa minahal ko. Hihintayin ko na lamang na may makakasalo rin ako sa aking mga simpleng pangarap kung hindi ngayon, baka sa malapit na hinaharap.