Sa wakas nagkaroon na rin ako ng pera para bilhin ang matagal ko nang gustong bilhin. Ewan ko ba? Nung high school, nakakaipon ako nang malaki. Ngayong college naman, kailangan pa ng talento sa pagdrama para makahingi lang ng pera. Pero proud ako sa sarili ko kasi effective ang pagdadrama ko. Yehey!Minsan, kapag hindi gumagana ang drama, sumasali na lang ako sa mga essay writing contest. At hayun... nagkakapremyo naman kahit paano. Kaso nagkataon naman na nung matanggap ko yung pera, sakto namang nagka-field trip! Haay... Kaya ako na rin ang nagbayad ng fee sa field trip namin. 'Yong natira, pinambili ko ng sapatos tsaka pocket money ko pa siyempre. Proud nga mga magulang ko sa 'kin eh. Pero honestly, masarap pala yung feeling na perang pinaghirapan mo yung pinambabayad mo sa sarili mong gastusin ha. Try ni'yo. Masarap talaga. Para kang naghahalucinate.
Mas madalas, kapag walang mga contest, nambabalato na lang ako sa suweldo ng ate ko. Ang bait niya. Naka-appropriate na nga yata sakin yung portion ng suweldo niya. Nakakahiya nga minsan eh. Baka isipin niya abuso naman na 'ko. Haha. Hindi naman masyado. Kayo naman. Wag ganun ah. Haha.
Ngayong alam ni'yo na ang paghihirap na dinadanas ko (hehe), baka gusto ni'yo kong tulungan? Hahahahahahaha. Kung gusto niyo lang naman. =)

No comments:
Post a Comment